Reviewer for Professional Driving License Exam

90 cards   |   Total Attempts: 188
  

Cards In This Set

Front Back
Habang nagmamaneho dapat kang tumingin sa "side and rear view mirrors" ng:
Mabilis at madalian
Maari kang lumusot (overtake) sa kanang bahagi ng isang sasakyan kung:
Ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon
Bago umalis sa paradahan, dapat mong:
Suriin ang paligid bago magpatakbo
Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang "Non-Professional" ay:
17
Matapos kang lumagpas (overtake) at nais mong bumalik sa pinanggalingang linya nang ligtas, kailangan:
Tingnan sa "rear view mirror" ang iyong nilagpasan
Sa interseksyon na may "STOP SIGN", dapat kang:
Huminto at magpatuloy kung walang panganib
Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:
Pribilehiyo
Ang lisensyang "Non-Professional" ay para lang sa:
Mga probadong sasakyan
Kung paparada nang paahon sa may bangketa dapat mong ipihit ang gulong:
Palayo sa bangketa
Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung:
Nakatigil at patay ang makina
Ano ang kahulugan ng patay sinding kulay PULANG ilaw trapiko?
Huminto at magpatuloy kung ligtas
Ano ang dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa
Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30m
Sa paglilipat-lipat ng linya, dapat sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:
Tingnan kung may parating na sasakyan
Sa highway na may dalawang guhit, maari kang mag overtake kung sa yong panig ay may:
Putol-putol na dilaw na guhit
Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:
Maaring masangkot sa aksidente